Wish.

Standard

It was our Statistics when I saw a key chain that really caught my attention. I asked Faith if she can lend it to me, and she said yes. She noticed that there is something inside my mind while I’m looking at the key chain. She said, “Bakit Dindi? Anong meron sa key chain ko? Ang cute noh? Penguin sya. Parang si Anna Mae.”

Image

Sabi ko naman sa kanya, “Oo nga eh. 🙂 Parang si Anna Mae lang.” At sa hindi inaasahang pagkakataon, nasabi ko kay Faith ang mga bagay na sinasarili ko lang talaga. I started spilling my thoughts and it goes like this…

Everytime na nakakakita ako ng kahit anong bagay na PENGUIN, lagi kong naaalala sina Jayson at Anna Mae. Bakit? Ewan ko. 😉 Parang kahit sobrang tagal na ng mga pangyayari, hindi ko pa rin makalimutang magawang kalimutan ang lahat at pakiramdam ko lahat sila ay sariwa pa. Oo, nakakalimutan ko minsan pero hindi papalya ang tadhana na ipasagi sa isipan ko lahat ng mga masasayang memories ko sa kanila… Mga mabababaw na bagay na nagpapasaya sa amin na nakasanayan na namin noon…

Asaran. Lambingan. Awayan. Kantahan. Ayan, ang madalas namin noong gawin. Lagi naming inaasar ni Jayson si Anna Mae kay Philip at lagi naman naming inaasar ni Anna Mae si Jayson na mukhang koreano at payatot. Lambingan na lang ang ginagawa naming solusyon kapag nagkaka-pikunan na ang dalawa sa amin. Andyan na ang umiiyak na kami ni Anna Mae sa telepono na parang tanga lang. Andyan na hindi na umiinom ang gagong si Jayson ng gamot nya at hindi kumakain hangga’t sa hindi pa kami nagbabati. At syempre, mawawala ba ang pag-unfriend nina Jayson at Anna Mae sa isa’t isa kay Pareng Facebook? 😀 Oo, ganyan kami kababaw. Minsan nga pag nag-aaway sila, ako pa ang taga-awat nila. Paunahan sila sa pagsumbong sa akin. Kadalasan si Anna Mae ang kinakampihan ko at minsan naman ay si Jayson. Nakakatawa nga lang isipin na kaming tatlo ay nakakaramdam ng selos. Si Jayson nagseselos kay Anna Mae dahil lagi kong kasama. Si Anna Mae naman nagseselos kay Jayson kase si lalaki na lang ang inaatupag at pinagpupuyatan ko. Ako naman si Anna Mae ang pinagseselosan ko kase laging silang aso’t pusa.

Naalala ko pa noon, ang sinabi sa akin ni Jayson nung malaman niya na marami na namang mga lalaki ang nababato-balani kay Anna Mae. 🙂 Sabi nya, “Hala, Peach! Emperor Penguin na ang Baby Peng naten. 😦 “ Sabi ko naman sa kanya, “Huh? Bakit Emperor? Dba dapat Empress Penguin?” :O Tapos tinawanan lang ako ni Jayson. Dun ko lang nalaman na wala pa lang Empress Penguin. 😀 HAHAHAHAHA. Ang tanga ko lang. 😛 Emperor Penguin lang pala ang tawag sa pinakamalaki at pinakamatandang penguin. 🙂

Image

Si Jayson at Anna Mae… Hindi yan matutumbasan kahit pa pagsama-samahin pa ang lahat ng taong kilala ko. Ganun sila kahalaga sa akin. Ganun ko sila minahal at hanggang ngayon naman minamahal pa dn eh. 🙂 Sila lang ang taong nakita ako na mahina at sinamahan ako sa lahat ng problema. Sila lang yung tao na kahit hindi ko kausapin, napapagaan nila ang loob ko at napapasaya ako.

Wish ko? 🙂 Simple lang naman eh. Sana pwedeng maibalik ang oras kung saan kasama at karamay ko yung dalawang taong sobrang halaga sa akin. O kaya naman kung may pagkakataon pa na magtagpo pa ang mga landas naming tatlo, sana ganun pa rin kami. At sana matuloy pa ang bagay na naudlot sa dalawang tao na sobrang halaga sa akin.. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s